Thursday, September 15, 2005



De Jesus, Gregoria. "Ilang Salita Lamang." In Jose P. Santos, Si Apolinario Mabini Laban Kay Hen. Antonio Luna. Manila: J. Fajardo, 1928. 9.

[9]

Ilang Salita Lamang


Matapos kong tunhayan ang obrang ito na may pamagat na "Si Aplolinario Mabini Laban Kay Gral. Antonio Luna" na sinulat ni G. Jose P. Santos ay ito ang aking naguing kurokuro at palagay, na siya'y (si Mabini) hindi dapat tawaging utak ng himagsikan pagkat wala naman siyang nagawa at naipaglingkod sa himagsikan at siya'y nasale noong kung baga sa isang handaan ay dumating siyang luto na ang ulam, nakahanda ang dulang at siya'y kasama ng mga huling nagsidulog upang tumikim at makisalo sa masasarap na luto.


Naaalaala ko pa ng minsang dumalaw kami sa kaniya na ako, si Andres Bonifacio at Emilio Jacinto ang magkakasama at iba pa. Ng kami ay pauwi na ay narinig kong sinabi ni Emilio Jacinto kay Andres Bonifacio ang ganito: "Katwa palang tao iyang si Mabini pati si Rizal ay sinisiraan na di dapat sabihin sa harapan" na sinagot ni Andres na "Siyanga, nguni't ang ibig ni Mabini ay ipakilala na higit siya kay Rizal", kaya silang dalawa ay nagtawanan.

Para sa akin ay mabuti ang naisip ni G. Jose P. Santos sa paglalathala ng obrang ito pagka't ang bayan ay maliliwanagan sa mga bagay na dapat niyang malaman, gayon din naman, upang makilala ng bayan na si Emilio Jacinto ang tunay na utak ng himagsikan at hindi si Apolinario Mabini na siya kuring ibig ipakilala at patibayan sa pagsulat ko nito.

Natutuwa rin ako sa paglabas nj obrang ito pagka't ngayon ay mabibigyan ng malaking hustisya ang isang dakilang bayaning gaya ni Emilio Jacinto na dapat dakilain ng boong Bayang Pilipino na kasama ni Andres Bonifacio dahil sa kaniang tunay na kabayanihan at katutubong pag-ibig sa Inang Bayan.

Gregoria de Jesus
(Balo ni Andres Bonifacio)
Ika 12 ng Oktubre ng 1928.