De Jesus, Gregoria. "Mrs. Andres Bonifacio's Letter to Emilio Jacinto Re Bonifacio's Arrest." In Revolt of the Masses: The Story of Bonifacio and the Katipunan, by Teodoro A. Agoncillo (Quezon City: University of the Philippines Press, 2002 [1956]), 394-8.
[394]
Appendix H:
Mrs. Andres Bonifacio's Letter to Emilio Jacinto Re Bonifacio's Arrest
Sila (ang mga taga Magdalo) ay nagdaos ng isang lihim na pulong at pinagpasyahang usigin siya at siya'y hamunin sa isang kagalitan, at kung siya'y mamuhi ay pagpapatayin sila o sila'y disarmahin at gapusin, (A. Bonifacio) na kasama ang kanyang mga kawal. Ng dumating ang mga kawal, sila ay nagpadala ng pasabi sa aming bahay na galing sa malayo, na isalong namin ang mga armas. Hindi namin inaalumana'y sila ay dumating, at ng sila'y malapit na sa aming bahay, kanilang kinubkod ang bahay at ang kanilang koronel ay pumanhik. Siya'y lumapit at itinanong kung saan siya patutungo; sumagot ang koronel at sinabing sila'y nagmamanmang patungo sa Indang; at sila'y naparaan sapagka't sila'y hindi pa nagaalmusal. Kanyang itinanong ang aming kalagayan at sinabing marahil ay kapos na kami ng mga pangangailangan. Sinabi naming hindi kami kinakapos at mabuti ang lagay namin dito kay sa Indang sapagka't may nagbibigay sa amin ng bigas na pinawa. Sumagat ang koronel: Mabuti ang kanilang kalagayan sa bayan sapagka't sila'y tumatanggap ng bigas na galing sa Naik, at kung iibigin ma'y magsama na tayo. Siya (ang aking asawa) ay sumagot: Ano ang aking gagawin sa Indang samantalang masama ang tingin
[395]
sa akin ng ating mga kapatid?
Hindi na ibig man lamang na makita pa silang muli. Pagka sabi nito'y naghari sandali ang katahimikan, pagkaraa'y sila'y nag-agahan. Sila'y nagpaalam pagkatapos at sinabing gumagabi na at nangakong sila'y magbabalik na kasama ang kanilang mga kawal at dito maghahapunan. Samantalang sila'y umaalis, ang kanilang ginawa't pagdating sa labas ng aming kublihan upang iutos na iyon ay ipinid samantalang nagbibigay ng atas na ibinigay na sino mang sumuway ay makakapalit ang buhay. Yto ang utos ng ibinigay sa naturang kublihan na kanilang binantayan na kasama ang ilang kawal. Ng ang aming mga tauhan na kumukuha ng racion sa labas ng kublihan ay dumating. Tinanggihan silang paraanin ng mga bantay. Pag karaa'y ipinagbigay alam ng mga taong di pinaraan ng mga bantay, at sa gayo'y nalaman namin kung ano ang nangyari. Tangi rito'y kanilang dinisarmahan ang aming mga kasamahan sa labas at kinuhang lahat ang mga lalaki. Dahil dito'y hinabol sila ng aking asawa upang itanong sa kanila kung bakit sila'y nagaasa1 ng gayon, nguni't sila'y hindi niya inabutan at yaong kasama nila ay nagbalik at naghintay na sila'y magbalik din upang itanong sa kanila kung sila'y gumagawa bilang pagsunod sa kanilang oficial. Sumapit ang gabi sa kanilang paghihintay. Kanilang inagaw ang mga babae at mga kasangkapan, ngunit isa sa mga babae ay nakatakas at nakapagsabi sa aming kawal na ang aming mga babae ay pinagdudukot. Ybig sanang umalis ng mga kawal upang humingi ng paliwanag, nguni't sila'y aming pinigil kaya't hindi sila lumayo sa labas ng kublihan, at sila'y naghintay na lamang doon. Ng kanyang malaman ang nangyari sa kanyang mga kasamahan, siya'y nagutos at nagpabalitang siya'y humihingi ng isang pagpupulong ng mga oficia1 sapagka't ang wika niya hindi nararapat na magkaroon sila ng pagaalit. Sinabi nila sa mga tagapagbalita na tumangi silang makipagpulong at mga punlo ang dapat na magkaroon ng karapatan na lumutas ng mga suliranin. Ang inutusang tagapagbalita ay nagbalik at ngayon ay naririto at buhay. Ng magmamada1ing araw ay nakarinig ng mga putok. Sila'y aking ginising at ng sila'y lumabas nasalubong niya ang isang kawal na nagsabi sa kanya na sila'y dumarating na napakarami at sila'y malapit na. Ng sila'y malapit, sila'y nagpaputok ng mabilis, at patuloy ang kanilang pakikihamok at kami'y kanilang kinubkob. Siya, sa kabila ng ganitong pangyayari, ay nagutos na huwag magpaputok ang kanyang mga tauhan; at ang aming
[396]
tao ay sumigaw: mga kapatid, huag kayong magpapaputok; sabihin ninyo kung ano ang inyong kailangan. Hindi sila nakinig; at ng kami ay nalalapit, kanilang pinaputukan ang aking asawa, at ng siya 'y nalugmok, siya'y kanilang pinagsasaksak at pinalo ng kulata ng kanilang baril. Ang aking bayaw na si Ciriaco ay inagaw ng dalawang tao at binaril hanggang sa mamatay. Si Procopio ay kanilang iginapos at pinalo ng rebolber. Kanilang inilagay ang mga sugatan sa hamaka at kanilang dinala sa bayan. Ng makita nilang ako'y lumabas sa pinagtaguan, ang oficia1 ng mga kawal ay tumakbo sa aking dako at pinipilit na sabihin ko kung saan nakatago ang salapi ng Cavite o ng Tesoreria. Kinuha nila ang aking revolver at ang kaunti naming salapi. Pagkatapos ay iginapos nila ako sa punung kahoy at pinipilit nilang ipagtapat ko sa kanila kung saan nakatago ang salapi na kanilang sinasabing nailak namin. Ang magkapatid ay makasasaksi sa bagay na ito, gayon din ang mga naninirahan dito na siyang nagdadala ng pagkain sa amin buan buan. Ng hindi makuha sa akin ang kanilang hinahanap, dinala nila ako sa Tribunal ng Indang at doon ay inalagaan ko ang lalaking sugatan ng kanilang hinubaran, pagkaraang kunin nila ang kanyang damit at siya'y kanilang balutin sa isang kumot. Ng ako'y lumapit, bahagya ng napagpala ko siya sapagka't ibig nilang gapusin ako at dalhin sa Naik, nguni't sa pakiusap ng iba ako'y pinalaya. Ng umaga, dinala kami ng mga kawal at kami'y pinagbalikbalik sa mga bayan ng Indang, Marigundong at Naik. Ay! mga kapatid ko. Ng kami'y bagong dating iniwan kami sa kusina ng bahay, sa paliguan ng mga pare at kami ay ipiniit sa tila tapunan ng mga bilango at tila hindi maaaring maabot ko pa siya, at ng ako'y magpumilit ay inilagay ako sa isang silid na may pagbabawal na makipagusap kahit kanino. At kanilang sinabi na kami ay pasasaksihin, pinakiusapan ko ang lahat ng General na bigyan kami ng justicia at kanilang sinabi na kung kanilang magagawa ay kanilang sisikaping bago kami pasaksihin ay tawagin ang ibang Puno at kami ay litisin sa gitna ng bayan sa harap nila. Sila'y pumayag sa aking pakiusap at sinabing ito'y makatarungan at sinabing ito'y hindi ginawa, at pagkaraan ng mahigit na isang Lingo, kami'y dinala sa Maragundon at kinunan kami ng mga patotoo ng ikatlong araw. Kanilang sinuhulan si Pedro Giron at kanilang tinuruang mabuti ng kanilang ibig ipasaksi sa kanya na siya (ang asawa ko) ay nag utos na silang lahat ay patayin.
[397]
Siya'y sumangayon sapagka't siya'y pinangakuan ng ililigtas, at bilang katuparan nito, siya'y pinaalis pagkatapos na siya'y makasaksi. Kaya, ng hilingin ng aking asawang humarap sa kanya, kanilang sinabi na si Giron ay napatay sa Naik. Bakit siya kasama nila ngayon? Ng matapos ang paglilitis, ipinagutos alinsunod sa kanila, ni Capitan Emilio na barilin ang asawa ko sa loob ng 24 na oras. Hindi man lamang nila pinahintulutang makapagtanggol sa kanyang sarili. Nakalipas ang ilang panahon at siya ay pinatawag; nguni't pagkaraan ng mga apat o limang araw ay iniutos ang pagpapatapon sa kanya. Nakalipas ang ilang araw, at ng ibigay ang hatol, itinanong sa ilan sa mga Puno kung ang laman ng hatol ay siyang katotohanan na kanilang sinagot na huag akong makinig sa bulungbulungan, at upang patotohanan ito, ang hukom na siyang may hawak ng usapin ay lumapit at sinabi sa akin huag akong mag alaala sapagkat wala pang nangyayari, at pagkatapos ay dumating... isang utos sa Capitang Kastila na sa ikatlong araw, ika walo ng gabi, samantalang malakas ang ulan, kanilang ilalabas na sapilitan sa bahay ang aking asawa. Hinanap ko ang komandante Lazaro Macapagal na siyang kumuha sa kanya, iyong tumupad ng mga utos na huag ang maysakit hanga't hindi tumitigil ang ulan o ilabas sa kinabukasan na ng umaga. Hindi niya gagawin ang gayon sa matuid na alinsunod sa kanya, ay utos ng kanyang Puno; nguni't sinabi niya sa akin na paroon ako sa bahay ni Capitan Emilio at makiusap sa kanya. Ako'y naparoon na kasama ang dalawang babae. Halos kinailangan namin na lumakad na apat-apat sa gitna ng dilim ng gabi at sa gitna ng malakas na ulan samantalang tumatawid kami sa ilog. Dumating kami sa bahay ni Emilio nguni't hindi kami makaakyat agad sapagka't kami ay basangbasa. Ng kami ay makapanhik si Emilio ay nagtago sa kanyang silid at sila'y pinagbilinang sabihin sa amin na siya'y maysakit at namamahinga; nguni't napansin kong siya'y nagigising at nakikipagusap kay Jocson. Ng si Jocson ay lumabas at lumapit kay Pedro Lipana na nagsasabing siya'y kalihim ni Emilio, siya'y lumapit sa akin at itinanong kung ano ang aking kailangan. Ipinakiusap ko na kung maaari ay huag lamang ialis ang maysakit hangang kinabukasan. Siya'y tumangi kaya't ako'y umalis upang makabalik; nguni't samantalang ako'y nananaog sinabi niyang maghintay kami at kami'y bibigyan ng sulat para sa mga tanod. Pagkasulat ng liham, kanyang ibinigay sa dalawang kawal na pinag utusang
[398]
samahan kami. Kailangang antalahin siya sa Tribunal at ako nama'y ikulong sa aming pagbabalik ng malayo sa bahay ng Pangulo. Nakipagtalo ako nguni't sinabi nilang babarilin ako at magbuhat sa sandaling iyon ay hindi pinahihintulutan ang sinomang lumapit sa akin. Ng tanghali ng sumunod na araw kanilang inilabas ang dalawang magkapatid; sa gawing hapon ay nagkaroon ng labanan sa labas ng bayan na malapit sa kinaroroonan ko at pinawalan nila ako. Ng ako'y makalaya naparoon ako sa kabilang ibayo upang siya'y hanapin, at nakasalubong ko na ang mga kumuha sa kanya. Dala nila ang mga damit na aking napaglimusan at ang gamot at ang kumot na aking ipinagbalot sa aking bayaw.
Ng aking hingin ang kanilang kinuha, kanilang sinabi na iniwan nila sa bundok, sa bahay ng isang tenyente. Ytinanong ko kung bakit dala nila ang mga damit sinabi nila sa akin na sinabi niya sa kanila na dalhin ko sa kanila ang damit na yaon. Ay! mga kapatid. Sila'y hinanap ko sa mga pook na kanilang itinuro at ng ako'y dumating sinabi sa akin na sila'y nasa ibang bundok na lubhang mataas. Dumating ako sa mataas na bundok na sinabi nguni't siya'y hindi ko nakita. At kami'y nagpatuloy ng paglalakad. Ay! mga kapatid. Kami'y hindi nagtigil ng paghanap sa kanya sa loob ng dalawang Lingo na nagpapahinga lamang kung gabi. Sapagka't hindi ko siya natagpuan at wala namang makapagsabi ng kanyang kinaroroonan, aming sinundan ang mga kawal nguni't ang mga kawal na ito'y nagkaila at kung anu anong pook ang itinuturo sa amin. Binuo na namin ang aming loob at ang aming balak ay makabalik ng sabihin sa amin ng isang amain ko ang katotohanan sapagka't siya ang nagbigay ng pagkain sa pook na hinintuan ng pangkat ng manunudla bago nila inialis sila.
Mapalad pa rin ako, mga kapatid, na manatiling buhay pa pagkaraan ng lahat ng aking dinanas. Kami'y nagpalibotlibot sa loob ng isang buan na walang kinakain kundi saging na hilaw. At kung ang aking kasamahan ay nagtagumpay na makuha sa pamamagitan ng kawangawa, ng isang dakot na bigas, kanilang isinasaing ito at ibinibigay nila sa akin. Ang damit ko sa katawan ay sira-sira na at napakarumi na hindi na masusunog kung ito man ay sigan.
(Lagda) Gregoria de Jesus
Lakanbini

<< Home